Martes, Enero 17, 2017

Opinion sa pamimigay ng DOH na libreng Condom sa mga Mag-aaral ng SHS

                          Para sa akin ang pamimigay ng libreng condom sa mga mag-aaral ng Senior High  School at nagdudulot ito ng mabuti at masama. Ang mabuti ay may pangprotekta ang mga mag-aaral laban sa kumakalat na sakit,ito ay ang HIV na nakukuha sa pakikipagtalik.At ang mas masamang naidudulot nito ay ang pagtingin  ng mga magulang at mga relihiyusong tao sa mga proyektong ito ng gobyerno.Dahil pipayagan ng DOH ang mga mag-aaral ng Senior High School na maari na walang gawin ang mga ginagawa ng mag-asawa.Kahit pa na sila ay menor de-edad pa.Salungat ito sa nakasulat sa bibliya at ipinamumulat ng DOH sa mga mag-aaral na pwede nang makipagtalik basta gumamit ng condom.Oo libre ito pero dapat ang kanilang target sana ay mga mag-asawa o nasa tamang edadna. At hindi na madidisiplina ng mga magulang ang kanilang anak. At mas maganda na lang na magkaroon ng pagpupulong o seminar ang mga mag-aaral kaysa magbigay sila ng libreng condom.

High School Life

High School Life

Di man kasikatan ang aming eskuwelahan
ang importante , madami kang matutunan
Makikilala ang iba't ibang ugali ng guro
Mga estudyanteng pasaway

Unang pasukan estudyante'y kasipagan
Proyekto't assignment kanilang hinaharap
nakikinig sa turo ng minamahal nilang guro
sila'y napaka aktibo

Lilipas ang ilang buwan
estudyante'y tinatamad
sa kantina'y palusot kunwari bibili
di na maisipang babalik sa klase

Iba-iba ang kasama
ang bakante'y masaya
libutin ang eskuwelahan ,
na maingay ang kasama

Papasok ng maaga , uuwe ng mag umaga
nakikipagtapuan sa mga barkada
inuman't galaan kasama ang barkada
sila'y nagsasaya parang walang problema

Minsan masya, minsan malungkot
tuwing exam ika'y nalulungkot
hawak hawak papel na gusot-gusot
sabay tapon sa kasama mong bansot...

Bakit mahirap ang magkapamilya at magkaroon ng anak na marami?

Bakit mahirap ang magkapamilya at magkaroon ng anak na marami?

Sa panahong ngayun, talagang mahirap ang magkapamilya at magkaroon ng anak na marami Lalo na kung "isang kahig, isang tuka lang ang kaya. Dahil maaaring ang kalabasan nito at kahirapan sa buhay.Hindi maibigay ang pangangailangan ng anak. Hindi sapat ang maiibigay na pagkain Lalo  kung marami ang anak.  May ibang sitwasyon na  hindi maharap ang kanilang pangangailangan Lalo na ang magasawa. Dahil maapektuhan nito ang mga anak. Ang pag aasawa at pagkakaroon ng madaming anak at hindi basta basta . Kailangan ng matindi at Mahabang panahon para paghandahan at planuhin ang  pagpapamilya.
"Planuhing mabuti bago pasukin ang pagpamilya at pagkaroon ng maraming anak."